Monday, May 1, 2017

Sino ba talaga ang pinoprotektahan ng Commission on Human Rights?

Sino ba talaga ang pinoprotektahan ng Commission on Human Rights?
All rights reserved

Sagot: Ang mga mamamayan laban sa pag abuso ng kapangyarihan ng gobyerno / estado (state).1

Kelangan po nating intidihin na ang Bill of Rights na nakasaad sa ilalim ng Article III, at kung saan saan pang Artikulo ng ating Saligang Batas ay proteksyon natin laban sa kapangyarihan ng gobyerno.

Ika nga ni Fr. Bernas: "First, the general reflections. The protection of fundamental liberties in the essence of constitutional democracy. Protection against whom? Protection against the state. The Bill of Rights governs the relationship between the individual and the state. Its concern is not the relation between individuals, between a private individual and other individuals. What the Bill of Rights does is to declare some forbidden zones in the private sphere inaccessible to any power holder."2

Sa madaling salita ang human rights ay hindi mo pwede gamitin laban sa pribadong individual.3

Ngayon, kung ang human rights ay magagamit mo lamang laban sa kapangyarihan ng gobyerno, edi obvious na ang kapangyarihan ng Commission of Human Rights na nakasaad sa Section 18, Article XII, ng ating Saligang Batas ay para siguraduhin na protektado ang mga mamamayan at iba pang pribadong individuals laban sa kapangyarihan ng gobyerno.

Maaring tinanatong mo ngayon: Paano naman ang karapatan ng mga biktima ng krimen?

Kaya po tayo merong BATAS, yung mga batas kontra droga, rape, murder, at iba pa, ay para protektahan ang karapatan ng mga pribadong individual laban sa kapwa nila pribadong individual.

Kunwari, may isang drug addict na nang rape. Ang karapatan ng biktima ay maghain ng kasong kriminal laban doon sa drug addict na nag rape sa kanya. Ngunit, hindi po pwede sabihin ng biktima ng rape na nilabag ng drug addict ang kanyang karapatang pang tao sa ilalim ng Saligang Batas dahil hindi po gobyerno ang drug addict.

Ngunit, kung inutos ng PRESIDENTE doon sa drug addict na dapat nyang gahasain o patayin ang isang tao ng basta basta nalang, yun na po ang magiging violation ng human rights dahil utos po iyon ng predisente, gamit ang kapangyarihan ng gobyerno. Yan po ang rason kung bakit hinatulan ang dating pangulong si Marcos ng korte sa Estados Unidos na bayaran nya ang mga biktima ng human rights violation sa panahon ng martial law.4
1Kung magiging teknikal tayo iba ang estado sa gobyerno. Pero, para mabilis maintindihan ng mga tao, gobyerno nalang ang gagamitin ko.
2Sponsorship Speech of Commissioner Bernas; Record of the Constitutional Commission, Vol. 1, p. 674; July 17,1986 cited in Agabon v. NLRC, 485 Phil. 248 (2004)
3Yrasuegui v. PAL, 590 Phil. 490 (2008)

No comments:

Post a Comment