Sino
ba talaga ang pinoprotektahan ng Commission on Human Rights?
All rights reserved
Sagot:
Ang mga mamamayan laban sa pag abuso ng kapangyarihan ng gobyerno /
estado (state).1
Kelangan
po nating intidihin na ang Bill of Rights na nakasaad sa ilalim ng
Article III, at kung saan saan pang Artikulo ng ating Saligang Batas
ay proteksyon natin laban sa kapangyarihan ng gobyerno.
Ika
nga ni Fr. Bernas: "First, the general reflections. The
protection of fundamental liberties in the essence of constitutional
democracy. Protection against whom? Protection against the state. The
Bill of Rights governs the relationship between the individual and
the state. Its concern is not the relation between individuals,
between a private individual and other individuals. What the Bill of
Rights does is to declare some forbidden zones in the private sphere
inaccessible to any power holder."2
Sa
madaling salita ang human rights ay hindi mo pwede gamitin laban sa
pribadong individual.3
Ngayon,
kung ang human rights ay magagamit mo lamang laban sa kapangyarihan
ng gobyerno, edi obvious na ang kapangyarihan ng Commission of Human
Rights na nakasaad sa Section 18, Article XII, ng ating Saligang
Batas ay para siguraduhin na protektado ang mga mamamayan at iba pang
pribadong individuals laban sa kapangyarihan ng gobyerno.
Maaring
tinanatong mo ngayon: Paano naman ang karapatan ng mga biktima ng
krimen?
Kaya
po tayo merong BATAS, yung mga batas kontra droga, rape, murder, at
iba pa, ay para protektahan ang karapatan ng mga pribadong individual
laban sa kapwa nila pribadong individual.
Kunwari,
may isang drug addict na nang rape. Ang karapatan ng biktima ay
maghain ng kasong kriminal laban doon sa drug addict na nag rape sa
kanya. Ngunit, hindi po pwede sabihin ng biktima ng rape na nilabag
ng drug addict ang kanyang karapatang pang tao sa ilalim ng Saligang
Batas dahil hindi po gobyerno ang drug addict.
Ngunit,
kung inutos ng PRESIDENTE doon sa drug addict na dapat nyang gahasain
o patayin ang isang tao ng basta basta nalang, yun na po ang magiging
violation ng human rights dahil utos po iyon ng predisente, gamit ang
kapangyarihan ng gobyerno. Yan po ang rason kung bakit hinatulan ang
dating pangulong si Marcos ng korte sa Estados Unidos na bayaran nya
ang mga biktima ng human rights violation sa panahon ng martial law.4
1Kung
magiging teknikal tayo iba ang estado sa gobyerno. Pero, para
mabilis maintindihan ng mga tao, gobyerno nalang ang gagamitin ko.
2Sponsorship
Speech of Commissioner Bernas; Record of the Constitutional
Commission, Vol. 1, p. 674; July 17,1986 cited in Agabon
v. NLRC, 485 Phil. 248 (2004)
3Yrasuegui
v. PAL, 590 Phil. 490 (2008)
4http://globalnation.inquirer.net/54454/marcoses-lose-us-appeal;
Hilao v Marcos, 25 F 3d 1467